Nanawagan sa kongreso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na bigyang benepisyo ang mga local disaster workers.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV, mahalagang mabigyang-pansin ang Magna Carta for Public DRRM Workers na may layuning mabigyan ng benepisyo at proteksyon ang mga rescuer na nangunguna sa disaster response operations.
Iginiit ni Alejandro, na karamihan sa mga rescuer ay mga volunteer o kontraktwal lamang na walang natatanggap na benepisyo sa ilalim ng Civil Service Commission (CSC).
Sinabi pa ng opisyal na dapat bigyang prayoridad ang mga rescuer bilang pagkilala narin sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa panahon ng kalamidad.