Nanindigan ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council na hindi sila nagkulang sa pagbibigay babala sa magiging epekto ng walang tigil na buhos ng ulan na naranasan partikular sa Cagayan De Oro dulot ng low pressure area.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, ilang araw bago pa man bumuhos ang ulan, naglabas na sila ng mga babala tulad ng general flood advisory sa kanilang regional at local offices.
Idinagdag pa ni Marasigan na hindi rin huminto ang kanilang monitoring sa aksyon ng mga local govertment unit sa mga naapektuhang lugar kung saan agad na nakapagsagawa ng paglilikas.
Hindi muna papasok ang NDRRMC sa response operation dahil kaya pa ito ng lokal na pamahalaan.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal