Iginiit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sapat ang resources ng bansa para bigyang ayuda ang mga naapektuhan ng dalawang malakas na lindol sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad, makaraang mapaulat na namamalimos na at humihingi ng pagkain kung saan-saan ang mga nasalantang residente.
Ayon kay Jalad, hindi na kailangan pang humingi ng tulong sa international community ang bansa dahil wala namang humanitarian crisis.
Ani Jalad, wala namang problema sa tulong na nagmumula sa gobyerno, maging ang mga pamilihan naman umano ay bukas para makapagtinda sa mga may kakayahang bumili.
Ang tangi na lamang nila umanong tinututukan ngayon ay ang mga kapus palad na residente.