Humingi ng paumanhin sa publiko ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ito’y kaugnay sa paglabas ng maling datos ng mga napinsala ng habagat kung saan, umabot sa 14,000 pamilya ang inilikas na naka-post sa kanilang website.
Paliwanag ni NDRRMC Spokesman Director Edgar Posadas, naisama sa kanilang ulat ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Maguindanao noon pang Hunyo 2.
Magugunitang hindi tinukoy sa naunang ulat ng ahensya ang mga lugar kung saan nakatira ang mga apektadong pamilya.
Batay naman sa revised report ng NDRRMC, aabot sa 43 barangay at anim na lansangan sa Metro Manila at Region 4-A ang nakaranas ng mga pagbaha noong Lunes.
—-