Dapat pag-aralan ng mabuti ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong bansa.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin na mayroong advantages at disadvantages ang pagsasailalim ng bansa sa National State of Calamity bunsod ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Garin, isa sa malaking tulong nito ay pagpapatupad ng automatic price freeze sa basic goods at maaaring magkaroon ng re-sprogramming sa pondo para sa pagpapaayos ng mga nasirang imprastraktura
Magagamit din aniya ang quick response funds, ang NDRRMC funds at president’s contingent fund upang mapabilis ang pagbangon ng mga nasalantala ng bagyo.
Babala naman ni Garin, kung ideklara ang national calamity sa buong bansa ay maaaring maabuso ang paggamit ng pondo maging sa mga lugar na hindi lubos na tinamaan ng Bagyong Paeng.