Naka-red alert na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa bagyong Paeng.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, Spokesperson ng NDRRMC na activated na ang mga regional center lalo na sa Nothern Luzon, na tatamaan ng bagyo.
Aniya, tuloy-tuloy lang ang kanilang paghahanda dahil komplikado ang sitwasyon sa lugar lalo’t tinamaan din ito ng magnitude 6.4 na lindol.
Iginiit pa ng tagapagsalita na ipagpapaliban muna ng disaster workers ang long weekend o bakasyon sa undas.