Pinaalalahanan ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) ang mga lokal na pamahalaan na sundin pa rin ang sa health protocols sa mga gagawin nilang operasyon.
Ito’y makaraang i-alerto na ng NDRRMC ang mga lugar na maatitikim ng bagsik ng bagyong pepito kabilang na ang Metro Manila.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, batid naman nila ang epekto na posibleng idulot ng bagyong pepito kaya’t dapat protektado ang kanilang mga tauhan gayundin ang kanilang mga ililikas para makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Samantala, handa namang magbigay ng tulong ang NDRRMC at ang kanilang operation center para sa mga kakailanganin ng mga lgu sa oras ng emergency.
Batay sa datos ng pag-asa, kumikilos na ang Bagyong Pepito sa pa kanluran – hilagang kanluran ng Northern-Central Luzon area at inaasahang tatama sa bahagi ng Aurora-Isabela mamayang gabi.