Sinalo na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga trabaho laban sa COVID-19 ng National Task Force (NTF).
Ayon sa NTF, ang mga tanong ay maaari nang idiretso sa NDRRMC, habang ang mga paglilinaw naman kaugnay sa pagpapabakuna ay maaring idulog sa Department of Health.
Samantala, pinasalamatan din na NTF ang media na kanilang naging kaagapay sa pagpapakalat ng COVID-19 Pandemic Response ng pamahalaan.