Hinimok ni Senate Committee on Energy Chairman Sen. Sherwin Gatchalian ang National Electrification Administration (NEA) na ipag-utos na ang agarang paggamit ng Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) upang maibalik na ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Tisoy.
Ayon sa mambabatas, aabot sa 2M pamilya ang makikinabang at magkakaroon muli ng kuryente bago magpasko sakaling mailabas na ang naturang pondo.
Sa ulat ng NEA noong December 5, pumapalo sa halos 1.8M kabahayan mula sa mahigit na 300 munisipalidad ng 17 lalawigan ang ang binayo ng bagyo.
Tinatayang nasa 50 local electric cooperatives din ang naapektuhan, kung saan 6 dito ang labis na nasira.
Nabatid na umaabot sa P750M ang nakalaang ECERF budget para ngayong taon na magmumula naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).