Selyado na ng National Electrification Administration at Power Systems Incorporated ang isang kasunduan para sa operasyon ng power plant sa bayan ng San Jose bilang solusyon sa power crisis sa Occidental Mindoro.
Sa sandaling magsimula ang operasyon ng planta, karagdagang 5 hanggang 6 megawatts ang kaya nitong i-generate para sa libreng kuryente sa loob ng dalawang buwan.
Ipinaliwanag ng N.E.A. Na kinontrata nila ang P.S.I. bilang subsidiya ng national government, nangangahulugang hindi ipapasa ang gastos sa mga consumer.
Ayon kay N.E.A. Administrator Antonio Almeda, sila ang sasagot sa operational cost sa unang dalawang buwan bilang tulong ng national government, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Nitong Martes ay binisita ni Almeda ang lalawigan upang inspeksyunin ang planta ng P.S.I. Na inaasahang mag-ge-generate ng anim hanggang pitong oras na kuryente kada araw.
Ang pag-re-renta anya sa planta ang kanilang nakitang solusyon sa energy crisis sa lalawigan.
Nakasaad din sa naturang kasunduan na mabibigyan ang D.M.C.I. Power corporation ng sapat na panahon upang makapag-supply ng 17 megawatts sa Occidental Mindoro Electric Cooperative sa ilalim ng emergency power supply agreement hanggang March 31, 2024.