Tiniyak ng National Electrification Administration (NEA) na walang magiging aberya ang suplay ng kuryente sa mga polling precints sa araw ng eleksyon.
Sinabi ng NEA na patuloy na nagsasagawa ng inspeksyon ang mga electric cooperatives sa mga classroom sa iba’t ibang lugar na gagamitin bilang polling precints.
Aniya, ginagawa na nila ang lahat para maiwasan ang brownout sa mismong araw ng halalan.
Maliban dito, may mga nakalatag na rin na plano ang mga electric cooperatives na handang tumugon sakaling hindi maiwasan ang power interruption.