Nanawagan si MMDA Task Force for Special Operations Chief Bong Nebrija sa mga commuter na bigyan ng respeto ang mga tauhan ng ahensya dahil ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Ito’y matapos ang insidente kung saan sinigiwan at minura sila ng mga pasaherong lulan ng isang bus na tinicket-an ng isang traffic enforcer.
Ayon kay Nebrija, inaayos nila ang daloy ng trapiko sa EDSA kaya’t hindi sila dapat makatanggap ng hindi magandang pagtrato mula sa mga commuter.
Kaugnay nito, umapela ng respeto si Nebrija mula sa mga commuter dahil ginagawa lang aniya nila ang kanilang trabaho.
Pakiusap na lang po naming konting respeto naman. Wala naman po kaming ginagawang masama kun’di ayusin ang traffic dito. Meron po tayong regulasyon na kailangan po nating sundin at sa aming side, kailangang ipatupad. Intindihin niyo naman poi yon, ‘wag niyo naman po kaming murahin atsaka pagsisigawan. Kung kayo po ang nagbabayad ng pa-sweldo o kaya ay kayo ang nagpapasweldo sa amin, kayo ang employer naming, masayahan po kayo dahil ginagawa po naming ang trabaho namin,” ani Nebrija.
Ratsada Balita Interview