Isinagawa kaninang umaga sa senado ang necrological service para kay dating Senador Helena Benitez.
Inihatid ng kaanak ni Benitez na si Bryan, ang urn ng dating senador na sinalubong nina Sen. Franklin Drilon at Risa Hontiveros.
Si dating Sen. Santanina Rasul naman ang nagbasa ng mga nagawa ng dating senador at ang mga hinawakan nitong posisyon.
Si Benitez ay nagsilbing senador mula 1967 hanggang 1972 at sumakabilang buhay sa edad na 102 nitong Huwebes, Hulyo 14.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)