Kinilala ng mga senador ang legacy o mga iniwang ambag sa lehislatura ng pumanaw na dating senador na si Vic Ziga.
Ito’y sa pamamagitan ng necrological service na idinaos ng senado kung saan iprinisinta ni Senate President Vicente Sotto III ang senate resolution na naghahayag ng simpatya at pagdadalamhati ng kapulungan.
Mababatid na nasawi si Ziga noong nakaraang linggo sa edad na 75 taong gulang dahil sa aortic aneurysm.
Bago naging senador si Ziga, nagsilbi muna ito bilang governor, assemblyman at miyembro ng gabinete.
Kasunod nito, nagpasalamat ang anak ng yumaong senador na si Vic Ziga Jr., sa pagkilalang ibinigay ng senado sa serbisyong inialay ng kanyang ama.