Isang requiem mass at necrological services ang itinakda ng kamara ngayong araw na ito para sa namayapang si dating Deputy Speaker at Occidental Mindoro Congresswoman Maria Amelita Girlie Villarosa.
Ang nasabing misa ay gagawin sa plenary hall ng alas-9 ng umaga.
Bago makapasok sa plenary hall, kailangan namang sumailalim sa antigen test sa North lounge extension ng mga miyembro ng Pamilya Villarosa, mga kongresista at senador at iba pang guest na pisikal na dadalo sa misa.
Kailangan ding sumagot sa health declaration form ang lahat ng mga dadalo sa nasabing misa.