Inamin Ng National Economic and Development Authority (NEDA) na isang malaking banta sa ekonomiya ng bansa ang muling pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, malaki ang nagiging epekto ng COVID-19 sa domestic economy.
Aniya, mahalaga pa rin sa ngayon na ipagpatuloy ang programa ng pagbabakuna at dapat unahin ang mga bata at senior citizen sa vaccination program dahil sila ang vulnerable sa mga sakit.
Dagdag pa ng kalihim, ang mga naturang patakaran at mga reporma ay mahusay para mapalago ang domestic economy.