Inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mapapabuti ang ekonomiya ng bansa kung ibaba ang alert level status ng National Capital Region.
Ayon kay NEDA Chief Karl Kendrick Chua, sakaling ibaba sa alert level 2 ang NCR ay bubuti at tataas ang Gross Domestic Product (GDP) ng higit 10 bilyon (P10.3-B) kada linggo at mababawasan ang bilang ng mga unemployed ng 43,000 kada linggo.
Matatandaan na nasa alert level 3 ang Metro Manila mula Oktubre 16 hanggang 31. —sa panulat ni Airiam Sancho