Inamin ng National Economic Development Authority o NEDA na malabong maabot ang target growth ng Pilipinas ngayong 2015.
Sa isang forum kasama ang mga dayuhang mamamahayag, sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nasa 6 hanggang 6.5 percent lamang ang nakikita nilang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.
“Seven to eight percent is out of reach”, pahayag ni Balisacan sa mga foreign journalists.
Matatandaan na lumago ng 6.1 percent ang ekonomiya ng bansa noong 2014, na naging dahilan para ambisyunin ng gobyerno ang 7 hanggang 8 percent growth ngayong 2015.
By Len Aguirre