Nangako ang National Economic Development Authority (NEDA) na kanilang pabibilisin ang economic recovery at post pandemic development ng bansa.
Ayon kay NEDA secretary Arsenio Balisacan, kaniyang tututukan ang mga programang ipatutupad sa ilalim ng kanilang ahensya na overall goal ng bagong administrasyon para agad na makapagbigay ng trabaho sa bawat isa at matugunan ang kahirapan.
Kabilang sa tututukan ni Balisacan sa ilalim ng kanyang pamumuno ang pagtulak ng mga panukalang mag-aangat ng economic performance ng bansa; pagtutok sa critical policy issues na may kinalaman sa National at Local Development; at ang pagkakaroon ng isang ahensyang transparent o pantay na pamumuno.
Ito na ang ikalawang beses na pamumunuan ni Balisacan ang NEDA kung saan, una na nitong pinamumuan ang ahensya sa ilalim ng Aquino Administration mula taong 2012 hanggang 2016.