Binigyang diin ng National Economic and Development Authority o NEDA na hindi naging dahilan ang pagbubukas ng ekonomiya sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Acting Neda Secretary Karl Kendrick Chua, nagbukas ang ekonomiya nuong nakaraang october 2020 habang tumaas lamang ang bilang ng kaso ng COVID-19 ngayong Marso 2021.
Tumaas aniya ang bilang ng kaso ng COVID-19 matapos luwagan ang quarantine restriction sa mga lugar at itaas ang bilang sa mga pampublikong sasakyan at mga pinapapasok sa mga establisyimento.
Kasunod nito, napagkasunduan ni Chua at ng ilang Economic Manager na buksan na ang ekonomiya dahil sa naiulat na tumaas sa 1.6 na milyon ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho simula noong Enero, 2021.
Bukod dito, sinabi rin ni Chua na nasa P1.6 na trilyong ang nawala sa pamilyang Pilipino dahil sa nangyaring paghihigpit noong nakaraang taon.— sa panulat ni Rashid Locsin