Isinasailalim na ngayon sa ebalwasyon ng national economic and development authority o neda ang proposed P24-B na wage subsidy program na layong mabigyan ng ayuda ang mga manggagawa sa pribadong sektor ngayong panahon ng health crisis.
Ayon kay inter-agency National Employment Recovery Strategy (NERS) task force chairman at trade Secretary Ramon Lopez, na ang inilaang P24-B na para sa mga private sector workers ay number 1 sa listahan ng eight-point employment recovery agenda ng pamahalaan.
Pahayag ni Lopez, bahagi ang wage subsidy na ito sa pagnanais ng gobyerno na mapreserba at maprotektahan ang nagpapatuloy na operasyon ng mga pribadong kumpanya.
Base sa wage subsidy proposed program na ito, tinatayang aabot sa tig-P8,000 kada buwan ang maaaring tanggapin ng nasa isang milyong mangagagawa mula sa private sector sa loob ng tatlong buwan.
Sakaling maaprubahan na ang naturang proposal, agad itong ipamamahagi sa pamamagitan ng payroll system ng bawat establisyemento o kompanya.