Binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi maaapektuhan ng ipinasang Maharlika Investment Fund, ang 2024 national budget ng bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang inilaang pondo sa MIF ay mula sa hindi nagamit na budget ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, kaya malabong maapektuhan ang pambansang budget.
Nilinaw din ng kalihim, na kanilang gagamitin ang pondong mula sa Government Financial Institutions, at hindi kukuha ng pondo sa pensyon at kaban ng bayan gaya nalang ng PHILHEALTH, Government Service Insurance System, at Social Security System.
Layunin ng MIF, na makakuha ng mas malaking budget na tutugon sa gastusin ng gobyerno sa bawat mga proyekto at programa kabilang na ang 194 flagship infrastructure projects.