Tiwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maitatala sa 6% ang kabuuang economic growth o paglago sa ekonomiya ng Pilipinas para sa 2019.
Ayon kay Socioeconomic planning Secretary Ernesto Pernia, bahagyang mababa ito sa target ng pamahalaan na 7% na epekto naman ng pagkakaantala sa 2019 national budget.
Gayunman, iginiit ni Pernia na mataas pa rin ang inaasahang 6% economic growth rate ng Pilipinas na pumapangalawa naman sa Vietnam.
Kasabay nito, ipinagmalaki rin ng kalihim ang malaking pagbaba sa poverty rate o pagtaya sa kahirapan sa Pilipinas na mula sa 23% noong 2015 at naging 16% nitong 2018.
Samantala, umaasa naman si Pernia na magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng Filipino para maabot ang hangaring mas mapaunlad ang bansa at tuluyang mawala ang kahirapan.