Nanawagan ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa Kongreso na ipasa sa takdang petsa ang panukalang P4.1-trillion pondo para sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni NEDA Director General Ernesto Pernia sa unang araw ng isinagawang marathon hearing sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay Pernia, kinakailangan ng 6.4% na economic growth sa ikalawang bahagi ng taon upang maabot ang target nilang 6% para rito sa kasalukuyang taon.
Dahil dito ay umaasa aniya sila na maipasa sa takdang petsa ang naturang panukalang pondo upang hindi makahadlang sa paglago ng ekonomiya sa susunod na taon.
Gayunman, bukas naman aniya ang NEDA sa pagpapalawig sa bisa ng P3.7-trillion na pondo para sa kasalukuyang taon dahil sa pagkaantala ng pagsasabatas nito bunsod ng kaliwa’t kanang debate hinggil dito.