Nakapanghihinayang ang naging resulta ng pangalawang presidential survey.
Ayon kay Professor Ramon Casiple, isang political analyst na bagamat nadagdagan ang oras ng debate, hindi naman nabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na ilahad ang kanilang misyon para sa bansa.
Sa halip anya ay puro ang negatibong aspeto ng pagkatao ng mga kandidato ang nakita ng taongbayan.
“Ang sayang doon maraming isyu na lumitaw doon na puwede sanang palalimin at tapusin, hindi natatapos eh, sa gitna ng pagsasalita may sumisingit, sa tingin ko walang panalo dun eh, lahat sila talo, naglitawan yung hindi naman siguro worst, litawan yung mga negative sides, hindi mo tuloy malaman kung ano ang vision nila sa bansa sa mga usapin.” Pahayag ni Casiple.
By Len Aguirre | Ratsada Balita