Nagbabala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa negatibong magiging epekto kung mababago ang liderato ng Senado.
Ayon kay Sotto, sa ngayon ay maayos ang relasyon at nagkakatulungan ang malakanyang at ang Senado.
Gayunman, idiniin ni Sotto, na hindi ito nangangahulugan na sunod-sunuran ang senado sa mga nais ng Malakanyang.
Babala ng senador na kung makukuha ng minority bloc ang liderato sa Senado, malilihis na aniya ang legislative agenda ng administrasyon.
Ayon kay Sotto, batid nya ito batay sa kanyang karanasan bilang senador ng 21 taon sa ilalim ng apat na mga naging pangulo ng Pilipinas.
Idiniin ng senador na maganda ang relasyon ng majority bloc ng 17th Congress sa Malakanyang.
Kung magkagayon aniya hindi kailangan na mabago ang naturang sitwasyon dahil lamang sa pagpasok ng ilang mga bagong senador.
Idiniin pa ni Sotto bakit kailangang ayusin gayong hindi naman sira.
“As the Americans say, why fix it if it ain’t broke?” Pahayag ni Sotto.