Ibinabala ng ilang grupo ng negosyante ang negatibong epekto sa ekonomiya kapag ginawang mandatory ang 14th month pay.
Ayon kay acting President Sergio Ortiz-Luis ng Employers Confederation of the Philippines, malaki ang posibilidad na lumayo ang maraming investors dahil dito.
Sinabi naman ni Donald Lim, Vice President ng Management Association of the Philippines, mauuwi sa pagsasara o pagtatanggal ng mga tauhan ang ilang kumpaniya lalo na ang mga maliit na negosyo.
May mga kumpaniya naman umano na kayang magbigay kahit pa hanggang 16th month bonus ngunit sa karamihan umano sa mga negosyo sa Pilipinas ay hirap nang ilabas ang 14th month pay ng kanilang empleyado.
Nagsimula nang gumulong sa Senado ang panukalang gawing mandatory ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado ng mga pribadong kumpanya.
Umaasa naman ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines na maaaprubahan ito bago mag-Pasko.
—-