Hinimok ng China ang mga bansa sa Southeast Asia na resolbahin ang kanilang territorial dispute sa pamamagitan ng diyalogo.
Muli ring nagbabala ang China na kapag nanalo ang Pilipinas sa arbitration case nito sa The Hague ay posibleng magdulot ito ng mga negatibong epekto.
Bukod sa Pilipinas at China, claimants din sa West Philippine Sea ang Vietnam, malaysia at Brunei.
Lalong umiigting ang tensiyon sa rehiyon dahil sa mga artificial island na ginagawa ng mga Tsino roon.
Matatandaang dumulog ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration at maglalabas na umano ito ng hatol sa mga susunod na linggo.
Gayunman, iginiit ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin na ang arbitration ay labag sa Declaration on the Conduct of Parties sa South China sea na nilagdaan ng 10 bansa mula sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kasama ang China noong 2002.
By Jelbert Perdez