Inalis na ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang rekisitong negative RT-PCR test result para sa mga papasok sa isla ng Boracay.
Sa Executive Order 001-A ni Aklan Governor Florencio Miraflores, simula kahapon ay hindi na kailangang magpakita ng negative RT-PCR test result ang lahat na mga turistang fully vaccinated na gustong magbakasyon sa isla.
Bagaman para sa mga hindi bakunado o hindi fully vaccinated, kailangan parin ang negative RT-PCR test result tatlong arawbago dumating sa Bora.
Matatandaang naging mandatory sa EO ni Miraflores noong January ang negative RT-PCR test result sa lahat ng mga turista na papasok sa Boracay matapos isailalim sa alert level 3 ang lalawigan dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19. —sa panulat ni Mara Valle