Hindi na kailangan pang mag prisinta ng negative swab test result ang mga fully vaccinated na indibidwal na magtutungo sa Boracay Island.
Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, ito ang ipinabatid sakanya ni Aklan Governor Florencio Miraflores.
Ani Puyat, sa susunod na buwan o tatlong linggo ay tatanggapin na sa kilalang tourist spot ang mga fully vaccinated individual kahit wala nang RT-PCR test.
Sinabi aniya ng gobernador na hinihintay na lamang nila na maging 100% nang bakunado ang lahat ng tourism workers at residente sa isla.