Sinimulan na ng Pilipinas ang pakikipag negosasyon para mapalaya ang 11 tripulanteng Pilipino na hinihinalang dinukot ng mga pirata sa West Africa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa ligtas namang kalagayan ang mga Pinoy at nagpapatuloy ang negosasyon para mapalaya ang mga ito.
Tumanggi nang magbigay pa ng ibang impormasyon si Bello dahil para hindi ma-kompromiso ang negotiation process.
Una nang dinukot ng mga pirata ang 9 na Pinoy mula sa Cotonou sa Benin nuong Nobyembre 2 na sinundan pa ng pagdukot sa 2 pang Pilipino mula naman sa Togo isang linggo ang nakalipas.