Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na sumang-ayon ito sa Chinese Embassy sa Manila na simulan muli ang negosasyon para sa mga pangunahing proyekto sa transportasyon sa bansa.
Ayon kay Transportation secretary Jaime Bautista, ito ay napag-usapan na nila ni Chinese Ambassador Huang Xilian sa naganap na unang pagpupulong noong Huwebes, Agosto a-11.
Aniya, tinalakay nila sa nasabing pagpupulong ang Major China-Funded Railway Projects tulad ng South Long Haul Project o ang North-South Commuter Railway, Subic-Clark Railway and Mindanao Railway o ang Tagum-Davao-Digos Railway.
Una nang sinabi ni DOTr undersecretary for Railways Cesar Chavez na hindi inaksyunan ng Chinese Government ang request ng nagdaang Duterte Administration para sa loan financing ng tatlong major railway projects na kung saan ikinonsidera itong withdrawn at kailangang i-renegotiate ng kasalukuyang gobyerno.