Gumugulong na ang negosasyon sa posibleng pagtanggal sa deployment ban sa Saudi Arabia.
Kinumpirma ni Department of Migrant Workers Assistant Secretary Venecio Legaspi na mayroon ng negosasyon at team na pupunta sa Saudi Arabia bago dumating si Secretary Susan Ople.
Ayon kay Legaspi, dahil sa ban na ipinatupad ng Department of Labor Employment noong Nobyembre ay malaki ang nawawalang halaga sa gobyerno.
Inilarga ang deployment ban sa household service workers dahil sa hindi pa binabayarang sweldo para sa overseas filipino workers sa Saudi Arabia.