Inihayag ni 8- Division World Champion Manny Pacquiao na mayroong nagaganap na negosasyon para sa posibleng laban nito kay undefetead boxer Floyd Mayweather Jr. o kay Amir Khan.
Ayon kay Pacquiao, posibleng sa Nobyembre o Disyembre ay madesisyunan na kung sino ang kanyang makakasagupaan sa susunod na taon.
Sinabi ni Pacquiao na kahit kanino naman kina Mayweather at Khan ay handa niyang labanan.
Samantala, iginiit ni Top Rank CEO Bob Arum na wala siyang alam sa sinasabing nagaganap na negosasyon para sa rematch fight nina Pacquiao at Mayweather.
Sinabi ni Arum na nasorpresa siya sa naturang ulat lalot retirado na aniya si Mayweather.
Dahil dito, duda si Arum na may magaganap pang rematch sa pagitan ni Mayweather at ng Pambansang Kamao.
By Ralph Obina