Tuloy sa susunod na buwan ang negosasyon o Code of Conduct talks sa Pilipinas ng mga bansa sa Southeast Asia at China patungkol sa South China Sea.
Kasunod ito ng pagkumpleto ng ikalawang pagbasa ng COC single draft negotiating text sa naganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) conference sa Indonesia, kung saan inaasahan ng Pilipinas ang patuloy na pag-uusap sa dokumento sa Agosto.
Kaugnay nito nanawagan, si Department Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, na mapalakas pa ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa at matiyak na mababawasan ang banta sa kapayapaan at seguridad.
Nabatid na matagal nang naantala ang naturang COC at bukod sa China at Pilipinas kabilang din ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan ang umaangkin sa South China Sea.