Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng kaniyang sariling kapatid sa San Francisco, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Nemrod Manguerra, 54-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Renerio Manguerara, 52-anyos na kapatid ng biktima.
Sa imbestigasyon ng Quezon Police Provincial Office, pumasok sa loob ng bahay ang suspek nang bigla na lamang nitong binaril ang kaniyang kapatid.
Matapos gawin ng suspek ang krimen ay agad rin itong nagbaril sa sarili dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.
Napag-alaman na matagal na umanong mayroong alitan ang dalawa dahil sa umano sa mana.—sa panulat ni Angelica Doctolero