Agad na nasawi ang isang negosyante makaraang tambangan sa Sipalay City, Negros Occidental.
Ayon kay Police Lt. Col. Necerato Sabando, hepe ng Sipalay police, pauwi ang hindi pinangalanang biktima sa kanilang bahay at galing sa kanilang piggery sa Sitio Cambogui-ot nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.
Kabilang ang love triangle sa mga sinisilip na motibo sa pamamaslang dahil sinasabing may ibang babae ang negosyante kahit na may asawa na ito.
Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang naturang krimen.