Arestado ang isang negosyante matapos makuhanan ng armas at bala sa kaniyang bahay sa Butuan City.
Sa bisa ng search warrant pinasok ng mga pulis at mga tauhan ng NBI ang dalawang palapag na bahay ng negosyanteng si Rey Carmona sa Purok Uno, Brangay Cabinet, Cabadbaran City.
Ayon kay NBI Caraga Regional Director Mario Minor ang search warrant ay ibinase sa impormasyong natanggap nila na mayroong ilang personalidad na nagngangalng Rey Carmona, Florence Carmona, Fernando Lolor at iba pa ang nagpapatakbo ng isang private armed group sa Cabadbaran City.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibleng kaugnayan ng grupo sa mga illegal activities sa Caraga.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa republic act 10591 o comprehensive law on firearms and ammunition si Carmona.