Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem ang isang negosyateng dayuhan sa Lipa City, Batangas.
Kinilala ang dayuhang biktima na si Shajad Miah, 43-anyos na residente ng Karuhatan, Valenzuela City.
Base sa imbestigasyon, nasa harap ng opisina ng isang kumpaniya sa bahagi ng P. Torres St., Brgy. 5, Lipa City ang biktima nang dumating ang dalawang suspek sakay ng pulang yamaha mio soul motorcycle saka pinagbabaril ang biktima.
Nakaligtas pa sa pamamaril ang biktima matapos makatakbo pero muli itong hinabol ng mga suspek saka pinaulanan ng bala ng baril.
Dito na binawian ng buhay ang suspek matapos magtamo ng mga tama sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Narekober sa pinangyarihang krimen ang 9 na basyo ng kalibre .45 baril.
Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga suspek na tumakas. —sa panulat ni Angelica Doctolero