Ikinukunsidera na ng negosyanteng si nina Ellaine Dizon – Cabrera ang paghahain ng kontra-demanda sa Philippine National Police makaraang idawit siya sa vaccine-slot-for-sale scam.
Ayon sa negosyante, nakikipag-usap na siya sa kanyang abogado kaugnay sa posibleng pagsasampa ng kaso.
Una nang kinasuhan ng PNP sa Mandaluyong Prosecutor’s Office sina Cabrera, Cyle Bonifacio at Melvin Polo Gutierrez dahil umano sa pagbebenta ng vaccine slot.
Isinama sa charge sheet si Cabrera matapos lumabas sa imbestigasyon na nag-alok umano siya ng 50 hanggang 100 vaccination slots sa Mandaluyong City.
Taliwas ito sa post ng negosyante ng online conversation niya sa isang hindi pinangalanang tao na nag-alok sa kanya ng vaccine slots para sa 2 doses ng Sinovac sa presyong P6,000 na kanya umanong tinanggihan. —sa panulat ni Drew Nacino