Handa ang negosyanteng may – ari ng helipad na iligal na itinatayo sa Quezon City na tumugon sa imbestigasyon ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines.
Ayon kay Raymond Ronquillo, susunod siya sa anuman ang maging kautusan ng CAAP batay na rin sa itinatakda ng batas.
Ikinatwiran naman ni Ronquillo na kaya sila nagpatayo ng helipad ay para sa medical evacuation.
Bagama’t wala pa silang hawak na permit mula sa CAAP, sinabi ni Ronquillo na nakapagsumite na sila ng requirements na humihingi ng kaukulang permiso sa ahensya.
“Kung meron man po kaming na-agrabyado, kung meron man po, wala namang nasaktan sa part po namin, aware naman po kami sa safety.”
“Immediately ihihinto naman po namin yung, as long as wala pa po kaming permit hindi naman po kami lalabag sa batas”, paliwanag ni Ronquillo.
By Rianne Briones | Balitang Paliparan Program (Interview)