Dumistansya ang Malakanyang sa isyung sangkot umano sa katiwalian ang Chinese business tycoon na si Huang Rulun.
Si Huang ang negosyanteng nagbigay ng donasyon at nagpondo sa pagpapatayo ng drug rehabilitation center sa Nueva Ecija na siya ring pinakamalaki sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, labas na ang Pilipinas sa nasabing isyu dahil panloob na usapin ito ng China.
Gayunman, tiniyak ni Banaag na kaisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya ng China laban sa kurapsyon.
Batay sa ulat ng Financial Times, si Huang na isa sa pinakamayamang negosyante sa China ay nahaharap sa kasong kurapsyon sa nasabing bansa.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Talilping
Negosyanteng nagpondo sa drug rehabilitation center sa Nueva Ecija sangkot umano sa katiwalian was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882