Lumutang na sa DOJ ang negosyanteng si Peter Lim.
Nakaabot si Lim sa deadline na ibinigay dito para magsumite ng kaniyang depensa sa isinampang kaso laban sa kaniya sa pagkakasangkot sa umanoy anti illegal drugs operations ni Kerwin Espinosa.
Kasama ang kaniyang mga abogado nagsumite si Lim ng affidavit kung saan itinatanggi nito ang pakikipag sabwatan kay Espinosa sa operasyon ng iligal na droga taliwas sa iginigiit ng mga otoridad.
Si Lim na naka suot ng face mask ay na puwersang lumantad matapos ibasura ng DOJ panel ang counter affidavit na unang isinumite nito kay Manila Senior Assistant City Prosecutor Antonio Valencia, Jr.
Sinabi ng panel na nakasaad sa NPS o National Prosecution Service manual hinggil sa preliminary investigation na ang respondent ay dapat magpakita sa investigating prosecutor para i affirm ang counter affidavit nito.
By: Judith Larino
SMW: RPE