Kalaboso ang isang negosyanteng Filipino-Chinese at dalawang katao matapos magbenta ng mga hindi rehistradong antigen covid-19 test kits sa manila.
Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina chenguang lei trentay sais anyos; Remedios Mortal, singkwentay uno anyos, at Edsa Meriel Granadoso, bente syete anyos.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng entrapment operations ang mga pulis laban sa mga suspek na ilegal na nagbebenta ng mga hindi rehistradong covid -19 antigen rapid test kit na may label na Clungene rapid test kit, Clungene antibody at Clungene antigen.
Nasamsam sa mga ito ang dalawang malalaking kahon na naglalaman ng isang daang piraso ng antigen test kits na nagkakahalaga ng P500,000.
Nakakulong at sinampahan ang mga suspekng kasong paglabag sa Republic Act 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009. —sa panulat ni Kim Gomez