Nananatiling nakatigil ang operasyon ng ilang mga negosyo at kabuhayan sa Tagaytay City sa Cavite.
Ito ay dahil problema pa rin ang suplay ng tubig at kuryente sa lungsod matapos namang maapektuhan ang source o pinagkukunan nito.
Ayon kay Tagaytay City Administrator Gregorio Monreal, sa ngayon ay pansamantala muna silang umaasa sa deep well para sa suplay ng tubig.
Pagtitiyak naman ni Monreal, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Tagaytay sa mga water district para matiyak na mabibigyan ng sapat na suplay ng tubig ang mga residente.
Sinabi pa ni Monreal, pahirapan din ang pagbabalik ng suplay ng kuryente dahila nananatiling balot ng abo at putik ang mga kalsada.