Magsasagawa ng pagpupulong ang Metro Manila Mayors kaugnay sa mga negosyong malakas kumonsumo ng water supply.
Kasunod ito ng apela ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa mga negosyo na gumagamit ng mas malaking volume ng tubig.
Sa pahayag ng MWSS, dapat malimitahan at hangga’t maaari ay magtipid sa paggamit ng tubig ang mga nagnenegosyo bilang handa sa posibleng water crisis.
Ayon kay Metro Manila Council President at San Juan Ciy Mayor Francis Zamora, nakatakdang magmeeting ang mga local government officials para talakayin ang naturang isyu.
Tiniyak ni Mayor Zamora ang pag-regulate ng tubig sa mga establisyimento kung saan, maglalabas sila ng panuntunan sa tamang paggamit ng tubig.
Layunin ng kanilang hakbang na makontrol ang paggamit ng tubig upang maibsan ang epekto ng nagbabadyang krisis sa tubig bunsod ng patuloy na pag-init ng panahon.