Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental kaninang pasado alas-7:00 ng umaga.
Nangyari ang pagyanig dakong alas-7:23 at natukoy ang sentro nito sa layong 91 kilometro silangan ng Sarangani.
May lalim itong tatlumpung (30) kilometro mula sa gitna at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Samantala, niyanig din ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Sipalay sa Negros Occidental dakong alas-7:06 kaninang umaga.
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 31 kilometro hilaga ng Sipalay kung saan may lalim itong 18 kilometro at tectonic din ang pinagmulan ng pagyanig.
Kapwa hindi naman nagdulot ng pinsala ang mga naturang pagyanig at wala rin namang inaasahang aftershocks.
—-