Handa nang mag lockdown ang Negros Occidental matapos kumpirmahin ng DOH na nasa katabing isla ng Iloilo ang ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa.
Sinabi ni Dr. Ernell Tumimbang, Provincial Health Officer na isa sa mga hakbangin nila ay posibleng paghihigpit sa mga daungan para mabantayan ang mga barkong galing ng Iloilo.
Patuloy naman ang panawagan ni Negros Occidental Governor Bong Lacson sa kaniyang constituents na maging alerto laban sa monkeypox.
Una nang kinumpirma ng DOH na ang 25 anyos na pasyenteng nagkaruon ng monkeypox ay residente ng isang bayan sa Iloilo na wala namang travel history.