Ipinanawagan ng pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental na i-akyat sa general community quarantine (GCQ) ang kanilang lugar mula sa kasalukuyang MGCQ.
Ayon sa mga lokal na opisyal, nagkakaroon ng “overwhelming spike” ng COVID-19 cases sa probinsya kaya dapat lamang itong aksiyunan ng Western Visayas Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) at Regional Task Force (RTF) for Covid-19.
Sa kabuuang, sinasabing mayroon nang 2,939 active cases sa Western Visayas.
Batay naman sa panibagong quarantine status na inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa MGCQ pa rin ang Negros Occidental hanggang Abril 30.