Niyanig ng Magnitude 4.1 na lindol ang Negros Occidental alas-10:47 kagabi.
Namataan ang lindol sa layong 27 kilometro kanluran ng City of Sipalay Negros Occidental.
May lalim ang lindol na walong kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan ang Phivolcs at wala ding inaasahang aftershock matapos ang lindol. —sa panulat ni Angelica Doctolero